|
||||||||
|
||
Dar es Salaam, kabisera ng Tanzania—Natapos Linggo, Nobyembre 26, 2017 ng Peace Ark, hospital ship ng hukbong pandagat ng Tsina, ang walong-araw na misyong humanitaryan sa bansang ito.
Mahigit 6,441 pasyenteng taga-Tanzania ang nilunasan ng mga manggagamot na Tsino sa kanilang misyon.
Sa seremonya ng paghahatid sa nasabing hospital ship ng Tsina, ipinahayag ni Pangulong John Magufuli ng Tanzania ang pasasalamat ng kanyang bansa sa mga manggagamot na Tsino sa pagkakaloob ng libreng serbisyong medikal sa mga mamamayan.
Mula 2010 hanggang 2015, ang Peace Ark ay dumalaw at nag-alay ng walang bayad na serbisyong medikal at humanitaryan sa 120,000 katao mula sa 29 bansa at rehiyon ng Asya, Aprika, Amerika at Oceania. Noong 2013, ang Peace Ark ay nagkaloob din ng walang-bayad na serbisyong medikal sa mga biktimang Pilipino ng Super Typhoon Haiyan (Yolanda).
Bago dumating ng Tanzania, dumalaw rin ang hospital ship sa ibang bansang Aprikano na kinabibilangan ng Djibouti, Gabon, Sierra Leone, Republika ng Congo, Angola, at Mozambique.
Mga tao habang naghahatid sa hospital ship na Peace Ark ng Tsina, sa Dar es Salaam, Tanzania, Nov. 26, 2017. (Xinhua/Jiang Shan)
Mga suldalo ng hospital ship habang nagkakaway-paalam sa mga taong naghahatid, sa Dar es Salaam, Tanzania, Nov. 26, 2017. (Xinhua/Jiang Shan)
Mga manggagamot na Tsino ng hospital ship habang nag-oopera sa mga may-sakit na taga-Tanzania, sa Dar es Salaam, Tanzania, noong gabi ng Nov. 23, 2017. (Wang Xinjun)
Mga tauhang medikal ng hospital ship na Peace Ark ng Tsina, habang nanggagamot ng mga may-sakit na taga-Tanzania, sa walong-araw na pananatili sa Dar es Salaam, Tanzania. (Wang Xinjun/ (Xinhua/Li Sibo)
Mga taga-Tanzania habang nakapila para gamutin sa hospital ship na Peace Ark ng Tsina sa Dar es Salaam, Tanzania. (Wang Xinjun)
Isang tauhang medikal ng hospital ship na Peace Ark ng Tsina, habang itinuturo sa mga batang taga-Tanzania kung paano maghugas ng kamay, sa Kurasini Children's Home sa Dar es Salaam, Tanzania, noong Nov 21, 2017. Isang grupo ng mga tauhang medikal ng hospital ship na Peace Ark ang dumalaw sa Kurasini Children's Home (KCH)para magkaloob ng walang-bayad na serbisyong medikal at magbigay ng school bags at laruan. Ang KCH, sentrong ari ng pamahalaan ng Tanzania ay itinatag noong 1968 para alagaan ang mga batang ulila at inabuso. (Xinhua/Li Sibo)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |