Ayon sa Departmento ng Pakikibaka Laban sa Kalamidad ng Indonesia Martes, Nobyembre 28, 2017, di-kukulangin sa 11 katao ang nasawi dahil sa landslide at baha na dulot ng grabeng lagay ng panahon sa probinsyang East Java, Indonesia. Ayon pa rin sa nasabing kagawaran, ilang libong pabahay ang nawasak, at 4,000 apektadong mamamayan sa nasabing probinsya ang kailangang lumikas.
Mula Nobyembre hanggang Abril ng susunod na taon ay ang panahon ng pag-ulan sa Indonesia. Sa panahong ito, madalas maganap ang landslide at baha sa bansang ito.
Salin: Li Feng