Sa sidelines ng 16th Prime Ministers' Meeting ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa Sochi, Rusya, nakipag-usap Nobyembre 30, 2017 si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang Pakistani counterpart na si Shahid Khaqan Abbasi.
Ipinahayag ng dalawang lider na bilang mapagkaibigang estratehikong magkatuwang, nananatiling mainam ang tunguhing pangkooperasyon ng Tsina at Pakistan sa ibat-ibang larangan, at mabunga rin ang konstruksyon ng economic corridor ng dalawang panig.
Positibo anila ang dalawang panig sa pagpapasulong ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan, at pagtutulungan ng mga bahay-kalakal nito. Anila, nakahanda ang dalawang panig na ibayo pang pahigpitin ang pagtutulungang panseguridad at pandepensa, para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Kauna-unahang beses na dumalo si Punong Ministro Abbasi sa Prime Ministers' Meeting ng SCO, pagkaraang maging opisyal na kasaping bansa ng SCO ang Pakistan.