Nay Pyi Taw—Ayon sa ulat ng Sentral na Lupon ng Pagpigil sa Paglaganap ng Droga ng Myanmar na ipinalabas noong ika-6 ng Disyembre 2017, 41, 000 ektarya na lamang ang kabuuang saklaw ng pinagtatamnan ng poppy sa bansa sa taong ito, ito'y lumiliit ng 25% kumpara noong 2015.
Ipinangako ni Kyaw Swe, Ministro ng mga Suliraning Panloob ng Myanmar na kasama ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) at mga kapitbansa, dapat isagawa ang mga mabisang hakbangin para pigilin ang pagpoprodyus ng droga sa loob ng bansa, at alias ang mga hadlang sa pagresolba ng isyuung ito.
salin:Lele