NANINIWALA si Health Secretary Francisco T. Duque III na maayos ang layunin nina dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Health Secretary Janette Garin ng bilhin nila ang Dengvaxia vaccine mula sa Sanofi.
Naging sandigan lamang ng kanilang desisyon ang impormasyong kanilang natanggap subalit kailangan lamang nilang ipaliwanag ang iba pang detalyes samantalang magkakaroon ng pagsisiyasat sa kalagayan ng may 800,000 mga kabataan.
Makabubuting lumantad na sila at magpaliwanag, dagdag pa ni Secretary Duque sa isang press briefing sa Malacanang kanina.