|
||||||||
|
||
NANAWAGAN ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv sa mga Filipino na maging maingat at maging mapagmatyag sa kanilang paligid.
Ito ang laman ng kanilang ipinadalang mensahe kahapon. Kabilang sa binanggit ang pagpapaliban ng pamamasyal sa mga tinaguriang "delikadong lugar" tulad ng "Temple Mount, Damascus Gate, Herod's Gate, Al Wad Road, Musrara Area" at paligid ng East Jerusalem kasama Silwanm At-Tur (Mt. of Olives), Ras Al-Mud, Issawiyah).
Kasama rin sa mensahe ang pag-iwas at pagpapaliban ng pagdalaw sa West Bank na kinabibilangan ng Bethlehem, Hebron at Golan Heights.
Kabilang sa payo ang pag-iwas at huwag lumapit sa mga alagad ng seguridad sa mga sensitibong pook na binanggit. Iwasan din ang mga pook na maraming tao lalo na sa mga pook na may protesta.
Kung sakaling magkaroon ng putukan, magkubli o magtago at dali-daling umalis sa pook. Mag-ingat din sa pagsakay sa pampublikong sasakyan. Makinig sa radyo at manood ng balita sa telebisyon. Kailangan ding tumawag sa embahada na mayroong nakalaang hotline numbers na +972.54.466.1188 kung mayroong emergency.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |