NAKATAKDANG tanggapin ni PNP Director General Ronald dela Rosa ang bagong posisyon mula kay Pangulong Duterte sa kanyang pagreretiro sa susunod na buwan.
Lumabas ang balitang papangalanan siya Bilang director ng Bureau of Corrections. Hindi umano siya makatatanggi sa kautusan ng pangulo. Naibalita ng pangulo sa isang pagtitipon para sa mga mamamahayag ng Malacanang na papangalanan niya si General dela Rosa sa Bureau of Corrections.
Sa panig ni General dela Rosa, mahirap umano ang trabaho subalit handa siyang tanggapin ito.