Kinumpirma nitong Sabado, Disyembre 16, 2017, ng Departamento ng Pakikibaka laban sa Kalamidad ng Indonesia na naganap ang magnitude 6.9 na lindol nitong Biyernes ng gabi sa katimugan ng West Java Province ng bansa. Ayon pa rin sa nasabing departamento, 2 katao ang nasawi, samantalang 7 iba pa ang nasugatan. Bukod dito, mahigit isang daang gusali sa nasabing rehiyon ang nasira.
Dahil sa nagagaganap na aftershock, nanawagan ang nasabing departamento sa mga mamamayang lokal na panatilihin ang pag-iingat.
Salin: Li Feng