Beijing-Kinatagpo Disyembre 19, 2017 ni Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) si Do Ba Ty, Pangalawang Tagapangulo ng Parliamento ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Zhang na ang pangunahing tungkulin ng mga parliamento ng dalawang bansa ay pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang partido at estado, pagpapahigpit ng kooperasyon ng dalawang panig sa ibat-ibang antas, at pagpapalakas ng pulitikal na pag-uunawaan at pagtitiwalaan, para maitatag ang komunidad ng "shared future" ng Tsina at Biyetnam. Ipinahayag naman ni Do na nakahanda ang Parliamento ng Biyetnam na magsikap, kasama ng NPC para pahigpitin ang mapagkaibigang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan sa ibat-ibang antas at larangan, para ibayo pang mapasulong ang pagtutulungan ng dalawang bansa.