|
||||||||
|
||
Phnom Penh, Cambodia—Ipinagkaloob Huwebes, Disyembre 21, 2017 ng Tsina ang 7.3 milyong USD mula sa Lancang-Mekong Cooperation (LMC) Special Fund sa Kambodya. Sasaklaw ang pondo sa iba't ibang proyekto ng nasabing bansa na kinabibilangan ng agrikultura, Information at Communication Technology (ICT), pampublikong kalusugan, edukasyon at pananaliksik, yamang-tubig, kaunlarang pangkanayunan, konektibidad na panghimpapawid, at pagpapalitang pangkultura.
Lumagda sa kasunduang pangkooperasyon hinggil sa nasabing mga proyekto sina Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Cambodia at Prak Sokhonn, Ministrong Panlabas ng Cambodia.
Sina Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Cambodia at Prak Sokhonn, Ministrong Panlabas ng Cambodia habang nagkakamayan makaraang lumagda sa kasunduang pangkooperasyon hinggil sa Lancang-Mekong Cooperation Special Fund. (Xinhua/Sovannara)
Inilunsad ng Tsina ang LMC Special Fund sa Unang Summit ng LMC sa Sanya, Hainan Province, Tsina noong Marso, 2016. Layon ng pondo na suportahan ang maliliit at katamtaman-laking proyektong pangkooperasyon ng anim na kasaping bansa ng LMC.
Ang LMC ay binubuo ng anim na bansa sa kahaban ng Lancang-Mekong River na kinabibilangan ng Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand, at Vietnam. Ang Lancang ay tawag ng mga mamamayang Tsino sa itatas na bahagi ng Mekong. Ang LMC ay mahalagang bahagi rin ng panlahat na pagtutulungan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Salin: Jade
Pulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |