|
||||||||
|
||
Nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagpapahigpit ng pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga partido ng Tsina at Hapon.
Ang panawagan ay ipinahayag ni Xi sa kanyang pakikipagtagpo, kahapon, Huwebes, Disyembre 28, 2017, sa delegasyon na pinamumunuan nina Toshihiro Nikai, Pangkalahatang Kalihim ng Liberal Democratic Party (LDP), at Yoshihisa Inoue, Pangkalahatang Kalihim ng Komeito, partner ng LPD sa koalisyon ng Hapon.
Idinaos ang ika-pitong pulong ng mga naghaharing partido ng Tsina at Hapon sa Fujian Province, Tsina, mula Disyembre 25 hanggang Disyembre 26. Lumahok dito ang mga kinatawan mula sa Partido Komunista ng Tsina (CPC) at naghaharing koalisyon ng Hapon na binabuo ng LPD at Komeito.
Pinahahalagahan ni Xi ang nasabing mekanismo sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Hapones.
Ipinahayag naman nina Nikai at Inoue ang kahandaan ng kanilang koalisyon na ibayo pang pasulungin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa CPC, para mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.
Larawan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng delegasyon ng LDP at Komeito ng Hapon, sa Beijing, Tsina, Disyembre 28, 2017. (Xinhua/Wang Ye)
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |