Sa kanyang mensaheng pambagong taon, tinukoy kamakailan ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia at Presidente ng Malaysian Chinese Association (MCA), na ang "Belt and Road" Initiative ay nagbibigay ng maraming pagkakataong pangnegosyo para sa Malaysia, at patuloy na pinasusulong ng MCA ang paglahok ng iba't ibang sirkulo ng bansa sa "Belt and Road" Initiative.
Sinabi ni Liow na itinatag ng MCA ang Sentro ng "Belt and Road," at umaasa aniya siyang ito'y magbibigay ambag para mapalalim ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Malaysia at Tsina sa pamamagitan ng aktibong paglahok sa "Belt and Road" Initiative.
salin:Lele