Ayon sa ulat na inilabas nitong Martes, Enero 2, 2018, ng Ministri ng Agrikultura at Pangingisda ng Cambodia, noong isang taon, lumampas sa 630 libong tonelada ang iniluwas na bigas ng Cambodia. Kabilang dito, 30% ay iniluwas sa Tsina.
Ipinakikita rin ng nasabing ulat na sa kasalukuyan, lampas sa 80 Cambodian rice export companies ay nagluluas ng bigas sa mahigit 70 bansa't rehiyon. Kabilang sa mga pangunahing pinagluluwasan nito'y ang Tsina, Unyong Europeo (EU), at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at iba pa.
Salin: Li Feng