Idinaos ngayong araw, Lunes, ika-8 ng Enero 2018, sa Beijing, ang paggagawad ng 2017 State Science and Technology Awards ng Tsina.
Dalawang siyentista ang ginawaran ng State Supreme Science and Technology Award, samantalang 271 grupo ang ginantimpalaan ng iba pang katagorya ng parangal na ito, at 7 siyentistang dayuhan ang binigyan ng International Scientific and Technological Cooperation Award.
Kabilang dito ay grupo ng mga siyentistang nag-aral sa H7N9 bird flu. Unang ipinalabas ng grupong ito sa daigdig ang whole genome sequence ng virus ng H7N9, at paraan ng pagbibigay-lunas sa mga may-sakit. Sila ang ginarawan ng Special Class Award ng National Science and Technology Progress Award.
May isa pang grupong nagdebelop ng teknolohiya ng pagbabawas sa pagbuga ng mga polutant ng coal-fired power unit. Ito ay makakatulong sa pagkontrol sa polusyon sa bansa. At sila ang ginawaran ng First Class Award ng State Technological Invention Award.
Salin: Liu Kai