Idineklara nitong Lunes, Enero 15, 2018, ng Philippines National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na hanggang sa kasalukuyan, halos 12 libong residente ng probinsyang Albay kung saan makikita ang Mayon volcano ay nailikas na. Mula Lunes, sinuspinde na ang lahat ng pasok sa paaralan na posibleng apektado ng pagsabog ng bulkang ito.
Ayon sa litratong isinapubliko Lunes ng gabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, lumabas ang maraming lava mula sa Mayon volcano, at mabagal na tumutulo sa dalisdis ng bundok.
Salin: Li Feng