Lunes, Enero 15, 2018, maalwang idineliber ang unang bonded aero-engine na kinumpuni sa Sichuan Aero-Engine Bonded Maintenance Base.
4 na taon ang nakaraan sapul nang itatag ang nasabing base. Napakalaking pondo ang inilaan para sa pagtatatag ng pagawan. Pinapasok ng proyektong ito ang mga primera klaseng pasilidad sa daigdig, at pinabubuti ang proseso ng pagkukumpuni, bagay na hindi lamang nagpapaikli ng panahon ng pagkukumpuni, kundi nagpapababa rin ng gastos.
Pagkaraang ganap na matapos ang konstruksyon ng proyekto, aabot sa 600 ang bilang ng mga aero-engine na kukumpunihin sa base, at magsisilbi itong namumukod na aero-engine maintenance base sa Asya.
Salin: Vera