Magsisimula bukas, unang araw ng Pebrero, 2018, ang Chinese New Year travel rush.
Ayon sa news briefing na idinaos ngayong araw sa Beijing ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, sa 40-araw na okasyong ito, na magsisimula bukas hanggang ika-12 ng darating na Marso, tinatayang 2.98 bilyong person time ang ihahatid sa buong bansa, sa pamamagitan ng haywey, daambakal, water transport, abiyasyon, at iba pa. Ang bilang na ito ay doble sa populasyon ng Tsina.
Ayon pa rin sa mga departamento ng transportasyon ng Tsina, handang-handa na sila, para magbigay ng maginhawa, mabilis, at ligtas na paglalakbay sa mga mamamayan.
Sa mahabang bakasyon ng Chinese New Year o Spring Festival, pinakamahalagang tradisyonal na kapistahan ng Tsina, maraming Tsino ang pupunta sa probinsya para sa family reunion at babalik sa kani-kanilang kasalukuyang lugar na pinaninirahan. Marami ring tao ang pupunta sa ibang lugar para sa pamamasyal.
Salin: Liu Kai