Ang mga "bulaklak" sa mga larawan ay pagkaing gawa sa harina. Tinatawag ang mga itong "Xibobo," at ang kakayahan sa paggawa ng mga ito ay tradisyon sa dakong silangan ng Lalawigang Shandong ng Tsina. Ang mga "Xibobo" na nasa litrato ay nilikha ni Gng. Lv Ailing, 48 taong-gulang. Tinuruan siya ng kanyang nanay, at sa loob ng mahigit 20 taon, patuloy niyang pinapa-unlad ang kakayahang ito.
salin:Lele