Phnom Penh — Sa pagtataguyod ng Embahadang Tsino sa Cambodia at Ministri ng Kultura at Sining ng Cambodia, pinasinayaan kamakailan ang Evening Gala na pinamagatang "Happy Spring Festival" bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Isang makulay na palabas ang ibinigay ng mga alagad ng sining ng Tsina at Cambodia sa mga manonood.
Sinabi ni Phoeung Sakhena, Ministro ng Kultura at Sining ng nasabing bansa, na ang mapagkaibigang pagpapalagayan ng Cambodia at Tsina ay hindi lamang nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan para sa kanilang mga mamamayan, kundi nakakapagbigay din ng ambag para sa kapayapaang panrehiyon at pandaigdig. Aniya, ang magkasamang pagtatanghal ng mga alagad ng sining ng dalawang bansa ay tunay na pagpapakita ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa sa larangang pangkultura at pansining.
Salin: Li Feng