Inilabas kahapon, Lunes, ika-5 ng Pebrero 2018, ng Tanggapan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang dokumento hinggil sa pagpapabuti ng kalagayan ng pamumuhay sa kanayunan.
Iniharap sa dokumento ang target, na sa taong 2020, isasakatuparan ang lubos na pagbuti ng kapaligiran ng pamumuhay sa kanayunan, kalinisan at kaayusan ng kapaligiran sa mga nayon, at malawak na kamulatan ng mga taga-nayon sa ekolohiya at kalusugan.
Inilakip din sa dokumento ang tatlong priyoridad sa pagpapabuti ng kapaligiran ng pamumuhay sa kanayunan. Ang mga ito ay pangangasiwa sa mga basura, pagtigil sa pagkalat ng maruming tubig, at pagbabago ng anyo ng mga nayon.
Salin: Liu Kai