Ayon sa datos na ipinalabas noong ika-5 ng Pebrero, 2018 ng Sentral na Kawanihan ng Estadistika ng Indonesya, umabot sa 5.07% ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob ( GDP). Ang paglaking ito ay mas mataas kumpara sa 5.03% noong 2016.
Ayon pa sa datos, ang paglaki ng konsumong panloob, pamumuhunan sa mga fixed assets at pagluluwas ay nagbigay ng pangunahing ambag sa GDP.
Ayon na paganalisa ng mga dalubhasa ng Indonesya na ang patuloy na pag-ahon ng mga malaking ekonomya na kinabibilangan ng Tsina ay nagpasulong ng paglaki ng pagluluwas ng Indonesya.
salin:Lele