Si Ginoong Zhu ay isang magsasaka sa Lalawigang Liaoning ng Tsina. Mahilig siya sa eroplano mula pagkabata, at ipinasiya niyang yariin ang sariling eroplano.
37.84 metro ang haba, 36 metro ang lapad, at 12 metro ang taas ng eroplanong binubuo niya, 1:1 ang proporsyon nito ayon sa Airbus A320 aircraft.
Hanggang ngayon, umabot na sa 40 toneladang bakal ang ginamit niya, at lampas sa 1 milyong yuan RMB ang kanyang ginastos sa proyekto. Tinayang matatapos ang pagyari ng nasabing eroplano bandang Mayo 1.
Salin: Vera