|
||||||||
|
||
Nagpadala, ika-12 ng Pebrero, 2018, ng mensahe ng pakikiramay si Xi Jinping, Pangulo ng Tsina kay Vladimir Putin, Pangulo ng Rusya hinggil sa pagbagsak ng eroplanong pampasahero ng Rusya.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina, ipinahayag ni Xi ang pakikidalamhati sa mga nasawi at pakikiramay sa kaniyang mga pamilya.
Nang araw ring iyon, tulad ni Xi, nagpadala rin ng mensahe ng pakikiramay si Premiyer Li Keqiang kay Dmitry Medvejev, Punong Ministro ng Rusya.
salin:Lele
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |