|
||||||||
|
||
SI Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nag-utos na pagbawalang makapasok sa Malacanang si Pia Rañada ng Rappler.
Ayon kay Rañada, sina bi ng isang Jhopee Avanceña, pinuno ng Internal House Affairs Office sa isang text message ang balita. Sinabi umano ng hindi na siya papayagang makapasok sa Malacanang at hindi lamang ngayong araw ang pagbabawal.
Mula umano kay Pangulong Duterte ang kautusan kagabi. Isang miyembro ng Presidential Security Group ang nagsabi kay Rañada na pinapayagan siyang pumasok sa New Executive Building subalit hindi papayagang pumasok sa Palasyo.
Hindi binanggit ng tauhan ng PSG kung sino ang nag-utos na pagbawalan si Rañada na pumasok at magbalita ng mga nagaganap sa loob ng Palasyo. Ang press working area at briefing room at nasa New Executive Building.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |