|
||||||||
|
||
SINABI ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana na 'di angkop ang naging pahayag ni Brig. General Louie Dagoy na naringgang nagsabing magpasalamat ang reporter ng Rappler na si Pia Ranada na hindi siya sinaktan ng kawal ng PSG sa pagtatanong kahapon kung sino ang nagbawal sa kanyang pumasok sa Malacanang.
Ani Secretary Lorenzana, walang karapatan manakit ng mga taunan ng Rappler o magbanta sa kanila.
Ito ang pahayag ni Secretary Lorenzana matapos sabihin ni General Dagoy na nararapat lamang magpasalamat si Pia Ranada na hindi siya sinaktan ng tauhan ng PSO na nagbawal sa kanyang pumasok sa Malacanang.
Ani General Dagoy, huwag daw kulitin ang kanyang tauhan sapagkat sumusunod lamang sa utos. Pambabastos na umano ang ginawa ni Bb. Ranada sa kanyang pagtatanong kung sino ang nagbawal sa kawal na magpapasok sa kanya sa Palasyo.
Sinabi naman ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na ang media accreditation ng Rappler sa Malacanang Press Corps ay nawala na ng bisa sa desisyon ng Securities and Exchange Commission.
Sinabi naman ng Malacanang Press Corps na hindi pa nila inaalis ang accreditation ni Pia Ranada bilang kasapi ng kanilang samahan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |