|
||||||||
|
||
US AMBASSADOR SUNG KIM. (File Photo/Melo Acuna)
NAG-USAP sina Executive Secretary Salvador Medialdea at US Ambassador to Manila Sung Kim kahapon.
Ayon sa pahayag na inilabas ng American Embassy sa Roxas Blvd. kanina, binanggit na nagpulong sina Ambassador Kim at Executive Secretary Medialdea hinggil sa lumabas na Worldwide Threat Assessment Report ng Director of National Intelligence.
Ipinaliwanag ni Ambassador Kim na ang ulat ay ang taunang pagsusuri sa kalagayan ng bawat rehiyon sa daigdig na nagmula sa mga lumabas na balita at lathalain.
Pinag-usapan nila ang isyu na bumanggit sa Pilipinas at niliwanag na ang impormasyon sa Pilipinas at naibalita na ng iba't ibang media outlet.
Napag-usapan din ang mga paraan upang higit na lumalim ang relasyon ng dalawang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |