|
||||||||
|
||
SINABI ni Presidential Spokesman Harry Roque na tapat ang pamahalaan sa pangako nitong labanan ang katiwalian. Ito ang kanyang reaksyon matapos bumaba ang rating ng Pilipinas sa global corruption perception survey.
Na sa ika-111 puesto ang Pilipinas sa 180 bansang kasapi sa Transparency International Corruption Perception Index 2017.
Hindi basta malulutas ang katiwalian, dagdag pa ni Secretary Roque. Maliwanag na umano sa mga talumpati ng pangulo na hindi sasantuhin ang sinumang magkakamaling masangkot sa katiwalian.
Kailangan din umano ng tulong ng mga mamamayan ang pagsugpo sa katiwalian, dagdag pa ni Secretary Roque.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |