Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lupon, binuo upang magsiyasat sa pagpaslang sa isang abogado at pananambang sa isa pang tagapagtanggol

(GMT+08:00) 2018-02-23 17:42:43       CRI

BUMUO ang Integrated Bar of the Philippines ng pambansang lupong magsisiyasat sa pagpaslang kay Atty. Jonah John Ungab sa Cebu City at pananambang kay Atty. Argel Cabatbat sa Quezon City.

Ayon sa Integrated Bar of the Philippines, tila walang napapanagot sa dalawang insidente na nagdudulot ng pangamba sa maraming mga abogadong may mga hawak na kontrobersyal na kaso.

Si Atty. Ungab ay abogado ng sinasabing drug distributor na si Kerwin Espinosa. Bise alkalde rin ang napaslang sa isang bayan sa Cebu Province.

Nangangamba ang mga kinauukulan sapagkat isa sa mga nanambang kay Atty. Cabatbat ay isang pulis na napatalsik sa serbisyo.

Hindi pa natatapos ang imbestigasyon at walang sinumang naipagsasakdal, dagdag pa ng Integrated Bar of the Philippines. Nakagagala pa ng malaya ang mga namaril at nanambang sa dalawang abogado kaya't kinailangang bumuo ng lupong magsisiyasat.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>