|
||||||||
|
||
UMAABOT na sa P 3.5 bilyon ang nawawala bawat araw dahil sa bagal at tindi ng trapiko sa Metro Manila.
Ito ang ibinalita ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa kanilang Transport Infrastructure Roadmap Study para sa Metro Manila.
Higit umanong lumalala ang trapiko sa Metro Manila. Ito ang ibinalita ng JICA kanina sa pamamagitan ni JICA Chief Representative Susumo Ito. Ang pinakahuling pagsusuri ay ginawa matapos ang tatlong taon. Binanggit sa naunang pag-aaral na umaabot sa P 2.4 bilyon ang nawawala bawat araw sa ekonomiya noong 2014.
Kailangan umano ang pagkakaroon ng malawakang pagawaing bayan upang matugunan ang pangangailangan.
Sa ilalim ng Build, Build, Build gagastos ang pamahalaan ng P 8 trilyon hanggang 2022 mula sa salapi ng pamahalaan na kukunin sa dagdag na buwis. Ngayong 2018, gagastos ang pamahalaan ng 76 na malalaking proyekto na nagkakahalaga ng US$ 35.5 bilyon o isang trilyong piso.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |