Nagtagpo kagabi, Biyernes, ika-23 ng Pebrero 2018, sa Seoul, sina Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea, at Ivanka Trump, anak na babae ni Pangulong Donald Trump ng Amerika.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Moon, na dapat patuloy na isagawa ang diyalogo ng Timog at Hilagang Korea, kahit hindi pa napapanumbalik ang diyalogo hinggil sa pagsasakatuparan ng walang nuklear na Korean Peninsula.
Inulit naman ni Ivanka Trump ang patakaran ng "maximum pressure" ng Amerika sa H.Korea. Ito aniya ay para igarantiya ang pagsasakatuparan ng walang nuklear na Korean Peninsula.
Salin: Liu Kai