Ipinatalastas kahapon, Biyernes, ika-23 ng Pebrero 2018, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, ang pagpataw ng sangsyon laban sa Hilagang Korea, na pinakamabigat sa kasaysayan.
Ayon sa pahayag na inilabas ng Department of the Treasury ng Amerika pagkaraan nito, ang nabanggit na sangsyon ay sasaklaw sa 27 kompanya ng paghahatid at kalakalan, 28 bapor, at 1 indibiduwal. Inilabas din ng naturang kagawaran, kasama ng Kagawaran ng Estado at Coast Guard ng Amerika, ang babala hinggil sa pagpataw ng sangsyon laban sa anumang panig, na magsasagawa ng kalakalan ng paninda sa H.Korea, sa pamamagitan ng transportasyon sa dagat.
Dagdag pa ng pahayag, ang pagpataw ng bagong sangsyong ito ay upang putulin ang mga ilegal na tsanel ng H.Korea, para umiwas ng mga naunang sangsyon.
Salin: Liu Kai