|
||||||||
|
||
Jakarta, Indonesia—Ipinahayag ni Xiao Qian, Embahador ng Tsina sa Indonesia ang kahandaan ng bansa na patuloy na magsisikap, kasama ng panig Indones, para magkaroon ng mas maluwalhating kinabukasan ang relasyong Sino-Indones.
Ito ang ipinahayag Martes, Pebrero 27, 2018 ni Xiao sa resepsyon bilang paggunita sa kanyang pagtatalaga sa nasabing bansa. Itinalaga at dumating ng Indonesia si Xiao noong katapusan ng taong 2017.
Sinabi ni Embahador Xiao na bilang impluwensyal na bansa sa rehiyon at daigdig, kahanga-hanga ang mga natamong bunga ng Indonesia sa iba't ibang larangan. Tuwang tuwa aniya ang Tsina sa nasabing mga bunga ng Indonesia. Nakahanda ang Tsina na patuloy na makipagtulungan sa Indonesia para i-ugnay ang mga pambansang estratehiya ng dalawang bansa at isakatuparan ang komong kasaganaan, dagdag pa niya.
Lumahok sa respesyon ang mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng Indonesia, mga sugong dayuhan at iba pa.
Si Xiao Qian, Embahador ng Tsina sa Indonesia habang nagtatalumpati sa resepsyon, Martes, Pebrero 27, 2018. (CRI/Li Shukun)
Ang mga batang Indones habang kumakanta ng mga pambansang awitin ng Indonesia at Tsina, Martes, Pebrero 27, 2018. (CRI/Li Shukun)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |