HIGIT sa 500,000 mga Filipino ang nawalan ng trabaho noong 2017 ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority subalit hindi pa kamasa ang mga nawalang-loob na manggagawa na maghanap na muli ng trabaho.
Sa isang press briefing ng IBON Foundation, bumagsak ang bilang ng trabaho mula noong Asian financial crisis noong 1997. Umabot sa 663,000 mga Filipino ang nabawasan ng trabaho kaya't mula sa 41 milyong may trabaho, umabot na lamang sa 40.3 milyon. Ito ang sinabi ni Sonny Africa, executive director ng IBON Foundation.
Binanggit naman ng Philippine Overseas Employment Admiistration na may 4,694 na Filipino ang umaalis ng bansa araw-araw upang maghanap ng mas magandang trabaho.