Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Supply ng bigas, nakababahala

(GMT+08:00) 2018-03-01 17:41:49       CRI

GASTOS SA PAGKAIN, TUMAAS.  Ito ang ibinalita ni Asst. National Statistician Wilma Guillen sa katatapos na Wednesday Roundtable @ Lido kanina.  Pinag-usapan din ang supply ng bigas.  Nangunguna pa rin ang Central Luzon, Cagayan Valley, Western Visayas at Ilocos Region sa dami ng inaaning palay sa bansa sa nakalipas na liming taon.  Na sa larawan din si dating DAR Secretary Rafael Mariano, PHILRICE economist Miriam Layaoen at NFA Spokesman Rex Estoperez.  (Melo Acuna)

 

MAY mungkahi si Atty. Victorio Mario Dimagiba ng Laban Konsyumer, Inc. upang matugunan ang problema sa madaling nauubos na supply ng bigas na nasa pag-iingat ng National Food Authority.

Inamin ni Director Rex Estoperez, tagapagsalita ng National Food Authority sa Wednesday Roundtable @ Lido na sasapat lamang ang kanilang nakaimbak na bigas sa kulang sa dalawang araw na aabot sa 1.1 milyong sako ng bigas.

Kailangang magkaroon ng 15 araw na buffer stock anumang araw mula ngayon at may 30- araw pagsapit ng unang araw ng Hulyo na siyang simula ng lean months.

Dadalawa ang paraan ng NFA upang mapunuan ang kanilang stocks at ito ay ang pagbili sa mga magsasaka at pag-angkat ng bigas mula sa iba't ibang bansa. Problema nga lamang ang 'di pamimili ng mga taga-NFA ng palay sa mga magsasaka sa halagang P 17.00 bawat kilo samantalang namimili ang mga pribadong mangangalakal ng higit sa P18 piso bawat kilo sa kanilang mga sariling barangay. Isa pang problema ay darating ang inangkat na bigas pagsapit ng huling araw ng Hunyo.

Ani dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano na dapat pag-aralan ng NFA Council ang halaga ng palay sa farmgate at baka uubrang magkaroon ng pansamantalang dagdag sa presyo ng pamimili ng NFA upang madagdagan ang stock ng ahensya.

Walang nakikitang problema si Director Estoperez kaya nga lamang ay nagmumula sa NFA Council ang huling kautusan.

Ayon kay Atty. Victorio Dimagiba, dating Trade and Industry Undersecretary, kailangang magkaroon ng suggested retail price para sa regular-milled rice. Nagmungkahi rin siyang kailangang magkaisa ang mga ahensya ng pamahalaan upang magkaroon ng pagtupad sa Price Act o sa Consumer Act na nagsasanggalang sa mga mamimili sa anumang pang-aabuso ng mga mangangalakal.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>