|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina--Alas-9 ng umaga bukas, Marso 5, 2018, magbubukas ang Unang Sesyong Plenaryo ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Sa gaganaping sesyon, pakikinggan at susuriin ng mga miyembro ng NPC ang ulat hinggil sa gawain ng pamahalaang Tsino na ilalahad ni Premyer Li Keqiang ng Tsina. Susuriin din nila ang ulat ng pamahalaang Tsino hinggil sa pagpapatupad sa pambansang plano sa kabuhayan at lipunan para sa taong 2017 at ulat ng balangkas na pambansang plano para sa taong 2018, at ulat sa pagpapatupad sa budget ng mga pamahalaang sentral at lokal para sa taong 2017 at ulat sa balangkas na budget para taong 2018.
Lalahok din sa nasabing sesyon ang mga miyembro ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayo ng Tsina.
Magsasagawa ng live coverage sa seremonya ng pagbubukas ng nabanggit na sesyon ang China National Radio (CNR), China Central Television (CCTV), China Radio Internationa (CRI) at China Global Television Network (CGTN).
Mababasa ang mga pinakahuling balita hinggil sa gaganaping sesyon sa mga website at Facebook page ng CRI Filipino Service.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |