NAGKASUNDO ang mga mambabatas at mga ehekutibo ng pamahalaan na bumuo ng isang lupon na mangangasiwa sa Boracay.
Sinabi ni Senador Cynthia A. Villar, chairperson ng Committee on Environment and natural Resources na ang pagkakaroon ng Boracay Authority na may mga kasapi mula sa pambansa at panglalawigan at bayang pinuno ang kailangang mabuo sa pamamagitan ng batas upang pangasiwaan ng Boracay Island.
Nararapat magkasama ang mga opisyal ng bansa at lalawigan at bayan upang matiyak ang nagkakaisang paraan ng programa sa pagpapanatiling malinis ng pook.
Hindi umano kakayahin ng pamahalaang lokal, ayon pa sa senador. Ayon naman kay Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo, sa oras na malutas na ang problema, kailangang pangasiwaan na ng Boracay Authority ang pook.