Ayon sa ulat na isinumite Lunes, Marso 5, 2018, ng pamahalaang Tsino sa National People's Congress (NPC), kataas-taasang organo ng kapangyarihan ng bansa, nitong nakalipas na 5 taon, umabot sa 82.7 trilyong yuan RMB ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina, mula 54 trilyong yuan RMB. Ito ay may taunang bahagdan ng paglaki na 7.1%. Tumaas sa humigit-kumulang 15%, mula 11.4% ang proporsyon ng GDP ng Tsina sa kabuhayang pandaigdig, at lampas sa 30% ang contribution rate nito sa paglago ng kabuhayang pandaigdig. Palagiang nakapako sa 3% ang deficit ratio.
Salin: Vera