Mga katangi-tanging aktibidad ng kaugaliang kultural ang ginanap kamakailan sa Longnan City, Lalawigang Gansu ng Tsina. Sa pamamagitan ng mga makukulay na sayaw ng "Chigezhou" at "sayaw sa tabi ng bilog ng suog," layon nitong palayasin ang malas at hilingin ang mapayapa't maligayang pamumuhay.
Ang "Chigezhou" ay isang uri ng sayaw at tradisyonal na aktibidad ng pagdambana sa mga ninuno ng mga Baima people sa Longnan City. Minamana ito sa hene-henerasyon, at inilakip na sa listahan ng mga intangible cultural heritage sa antas ng estado.
Salin: Vera