|
||||||||
|
||
Ito ang kauna-unahang cruise line ng Tsina na dadaong sa 6 na bansa ng Timog-silangang Asya. Inaasahang magiging regular ang linyang ito.
Napag-alaman, sa biyaheng ito, isasagawa rin ang mga aktibidad na gaya ng pagpapalitan ng sining at kultura, pagbisita sa mga pamantasan, at paglalakbay-suring pangkabuhayan at pangkalakalan para mapalalim ang pagkakaibigan ng mga mamayang Tsino at bansang ASEAN.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagsisimula ng biyahe, ipinahayag ni Julius Flores, Consul General ng Pilipinas sa Xiamen na sa taong ito, mabilis na dumarami ang mga turistang patungong Pilipinas, at ang Pilipinas ay naging mahalagang port ng mga cruise ship. Maganda ang pagsisimula ang nasabing cruise line, at may mas maraming pagkakataong pangkooperasyon ang dalawang bansa.
salin: Lele
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |