Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping: pagtungo ng mga mamamayang Tsino sa pagtupad ng pangarap, hindi mahahadlangan

(GMT+08:00) 2018-03-20 13:25:51       CRI

Sa kanyang talumpati ngayong araw, Martes, ika-20 ng Marso 2018, sa pulong ng pagpipinid ng sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng bansa, na isasabalikat niya, tulad ng dati, ang mga tungkuling itinatakda ng Konstitusyon, magiging matapat sa bansa at mga mamamayan, at patuloy na maglilingkod sa mga mamamayan.

Ito ang unang talumpati ni Xi, pagkaraang muli siyang maihalal bilang Pangulo ng Estado ng Tsina.

Hiniling din niya sa lahat ng mga tauhan ng mga organong pang-estado, na palagiang unahin ang mga mamamayan, taos-pusong paglingkuran ang mga mamamayan, at buong sikap na magtrabaho para sa mga kapakanan at kaligayahan ng mga mamamayan.

Hinahangaan ni Xi ang mga mamamayang Tsino, na may lakas ng loob at dakilang pangarap. Dagdag niya, kung may pananalig ang mga mamamayan, saka lamang magkakaroon ng kinabukasan ang bansa. Dapat aniyang buong sikap na lutasin ang mga isyung may kinalaman sa pinaka-direkta at pinaka-aktuwal na interes ng mga mamamayan, para makapagtamasa ng kaligayahan at kaluwalhatian ang lahat ng mga mamamayan, sa proseso ng pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.

Binanggit din ni Xi, ang mga pangunahing gawain ng Tsina sa kasalukuyan at sa ilang panahon sa hinaharap, na gaya ng komprehensibong pagpapalalim ng reporma, pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, pagpapaunlad ng sosyalistang demokrasya, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagbabawas ng kahirapan, pangangalaga sa ekolohiya, pagsasakatuparan ng mapayapang reunipikasyon ng bansa, at iba pa.

Inulit ni Xi, na patuloy at aktibong pangangalagaan ng Tsina ang pagkakapantay-pantay at katarungan ng daigdig, at patuloy at aktibong lalahok sa pagsasaayos ng pandaigdig na sistema ng pangangasiwa. Patuloy at aktibo ring pasusulungin ng Tsina ang pandaigdig na pagpapalitan at pagtutulungan sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at pagtatatag ng "community with a shared future for mankind," dagdag pa niya.

Ipinahayag din ni Xi, na dapat isabalikat ng Partido Komunista ng Tsina ang makasaysayang responsibilidad ng pamumuno sa mga mamamayang Tsino sa dakilang rebolusyong panlipunan. Aniya pa, ang bagong panahon ng sosyalismong may katangiang Tsino ay para sa bawat mamamayan ng bansa, at kung magkakaisa at magkakasamang magsisikap ang lahat, hindi mahahadlangan ang pagtungo ng mga mamamayang Tsino sa pagtupad ng pangarap.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>