|
||||||||
|
||
Ayon sa salaysay, ang naturang 3-araw na ekspo ay isang plataporma, para ipakita sa daigdig ang mga sikat na tatak ng Tsina. Kalahok dito ang mahigit 500 bahay-kalakal na Tsino, na may kilalang tatak.
Sa nabanggit namang porum, tatalakayin ng mga panauhing Tsino at dayuhan ang hinggil sa pagpapabilis ng pag-unlad ng mga tatak na Tsino.
Nang araw ring iyon, inilabas ang logo ng China Brand Day. Noong isang taon, itinakda ng pamahalaang Tsino ang tuwing ika-10 ng Mayo, bilang China Brand Day. Ito ay para pasiglahin ang mga bahay-kalakal na Tsino sa pagpapaunlad ng mga tatak na sarilinang-ari, at i-promote sa daigdig ang mga sikat na tatak na Tsino.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |