Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-23 ng Marso 2018, ni Tagapagsalita Ren Guoqiang ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na nang araw ring iyon, pumasok, nang walang pahintulot, ang USS Mustin guided missile destroyer sa karagatang nakapaligid ng mga isla at reef ng Tsina sa South China Sea. Isinagawa aniya ng hukbong pandagat ng Tsina ang beripikasyon sa naturang barko, at pinaalis ito.
Sinabi ni Ren, na di-mapapabulaanan ang soberanya ng Tsina sa mga isla at reef sa South China Sea at karagatan sa paligid ng mga ito. Aniya, ang paulit-ulit na pagpapadala ng panig Amerikano ng mga bapor pandigma sa mga karagatang ito ay grabeng sumasabotahe sa soberanya at seguridad ng Tsina, lumalabag sa saligang norma ng relasyong pandaigdig, at nakakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Dagdag ni Ren, masama ang ganitong aksyon sa atmospera ng relasyon ng Tsina at Amerika at relasyon ng mga tropa ng dalawang bansa. Ito rin aniya ay malaking probokasyong pulitikal at militar sa Tsina, at tumututol dito ang panig militar ng Tsina.