|
||||||||
|
||
MGA PARI, NARARAPAT MAGLINGKOD SA MGA MAHIHIRAP. Nanawagan si Legazpi Bishop Joel Z. Baylon sa mga pari ng Albay na lumabas ang paglingkuran ang mahihirap sa kapaligiran. Kailangan ito upang mapatotohanan ang kautusang isama ang mga aba sa komunidad. (Melo M. Acuna)
HIGIT SA 100 PARI DUMALO SA CHRISM MASS. Makikita ang bahagi ng may 100 paring dumalo sa Chrism Mass na pinamunuan ni Bp. Joel Z. Baylon sa St. Gregory The Great Cathedral sa Legazpi City. (Melo M. Acuna)
KAILANGANG lumabas ang mga pari sa Diocese of Legazpi sa kanilang mga kinikilalang comfort zone upang marating at mapaglingkuran ang mga mahihirap at nalilimutan ng lipunan.
Ito ang buod ng kanyang mensahe sa isangdaang pari sa Lalawigan ng Albay sa idinaos na Misa ng Krismo kaninang umaga na pinamunuan ni Bishop Joel Z. Baylon. Tradisyon ng Simbahan ang pagbabasbas ng banal na langis na ipinapahid sa mga may karamdaman at mga naoordenan sa pagkapari. Ito rin ang okasyon upang magkaroon ng renewal ng kanilang sinumpaang bokasyon sa harap ng kanilang obispo.
Napuno ang Katedral ni San Gregorio Magno sa Albay District ng Legazpi city kanina sa pagdalo ng mga mananampalataya sa tradisyunal na misa tuwing Huwebes Santo.
Pinarangalan din ang mga paring naglingkod sa nakalipas na 25, 40 at 60 taon sa pagdiriwang ng Year of the Clergy.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |