Ngayong araw, Abril 1, 2018, ay unang anibersaryo ng pagkakatatag ng Xiong'an New Area, sa probinsyang Hebei ng Tsina. Sapul nang isaoperasyon ang dalawang bullet train mula Beijing patungong Xiong'an noong Hulyo, 2017, nakikinabang dito ang napakaraming mamamayan.
Hanggang Marso 30, 2018, halos 490 libong person-time na pasahero ang naihatid sa pamamagitan ng nasabing dalawang bullet train.
Noong katapusan ng nagdaang Pebrero, pormal na sinimulan ang konstruksyon ng intercity railway sa pagitan ng Beijing at Xiong'an. Ito ay unang malaking proyektong pangkomunikasyon na itinatag sa Xiong'an New Area.
Salin: Li Feng