Ang hotpot ay isang natatanging tradisyonal na pagkain sa Tsina. Iba't iba ang lasa ng hotpot sa magkakaibang lugar, kabilang dito, pinakakilala ang hotpot ng Chongqing.
Sa Jiulongpo District ng Chongqing, makikita ang kauna-unahang pribadong museo sa Tsina na may temang hotpot. Itinatanghal dito ang mahigit 1,000 lutuan ng hotpot na kinolekta mula sa iba't ibang sulok ng Tsina. Sa pamamagitan ng mga itinatanghal na bagay-bagay, malalaman ng mga bisita ang pinanggagalingan, kasaysayan at pag-unlad ng hotpot, lalong lalo na, ang hotpot ng Chongqing.
Nakikita rin dito ang 5,000 sisidlan na may maanghang na thick broad-bean sauce para sa hotpot seasoning.
Salin: Vera