WALANG natatanggap na letter of resignation ang Malacanang mula kina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at Labor Secretary Silvestre H. Bello III sa likod ng mga balitang magbibitiw na sila sa kanilang mga trahabo.
Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, wala silang nababatid na magkakabalasahan sa gabinete. Inanyayahan pa sina G. Aguirre at Bello sa ika-24 na pulong ng gabinete ngayon.
Idinagdag pa ni G. Guevarra na walang nakikitang masamang performance si Pangulong Duterte kina G. Aguirre at Bello. Nabanggit nga lamang ang ilang bukol na nakamtan ng pamahalan tulad ng desisyong pawalang-saysay ang reklamo laban sa sinasabing drug lord na si Peter Lim at sa umaming drug distributor na si Kerwin Espinosa.