|
||||||||
|
||
Washington D.C. — Sa pagtatagpo Miyerkules, Abril 4, 2018, nina Embahador Cui Tiankai ng Tsina sa Amerika at John J. Sullivan, pansamantalang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at mga iba pang isyung kapwa nila pinahahalagahan.
Inulit ni Cui ang paninindigan ng Tsina sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Hiniling niya sa panig Amerikano na agarang itigil ang unilateralism at trade protectionism, at itigil ang Section 301 Investigation sa Tsina sa lalong madaling panahon upang malutas ang mga kaukulang alitan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa situwasyon ng Korean Peninsula at iba pang mga isyu.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |