|
||||||||
|
||
Media Leaders Summit for Asia, idinaos sa Sanya
Pormal na binuksan ngayong araw, Abril 9, 2018 sa Sanya, Hainan ang Media Leaders Summit for Asia, na idinaraos sa sideline ng 2018 Boao Forum for Asia (BFA). Ngayong taon ang tema ng summit ay "New Era of Asian Media Cooperation -- Interconnectivity and Innovation-driven Development."
Mga kalahok sa Media Leaders Summit for Asia
Sa kaniyang keynote speech, ibinahagi ni Huang Kunming, Miyembro ng Political Bureau ng CPC Central Committee at Ministro ng CPC Central Committee Publicity Department na ang tema ng kasakuluyang forum ay nakatugma sa tunguhin ng pag-unlad ng daigdig, at komong hangarin ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Upang mapasulong ang komong kasaganaan ng mga bansang Asyano at integrasyon ng Asya sa daigdig, nanawagan siya sa mga media ng Asya na magkakasamang ibahagi ang mga kuwento ng mga mamamayan ng kani-kanilang bansa na nagtatampok sa inobasyon at pagkamapanlikha at bumubuting pamumuhay. Hiniling din niya sa mga media na Asyano na iulat ang hinggil sa karanasan sa pambansang kaunlaran ng iba't ibang bansa, sa pamamagitan ng tunay, obdyektibo at siyentipikong pamamahayag. Hangad din ni Huang na gampanan ng mga media ang papel bilang tagapagsulong ng pagpapasulong ng diyalogo sa pagitan ng iba't ibang sibilisasyon, para patuloy na mapasulong ang globalisasyong pangkabuhayan tungo sa pagbubukas, pagkabalanse at panlahat na kapakanan.
Pananaw ng Delegasyong Pilipino sa summit
PCOO Undersecretary Marvin Gatpayat, kinapanayam ng mamamahayag ng CRI
PCOO Undersecretary Marvin Gatpayat, kasama ang mga mamamahayag ng CRI
"Ako po ay sumusuporta sa Media Leaders Summit," pahayag ni Marvin Gatpayat, Undersecretary for Legal Affairs and Chief of Staff ng Presidential Communications Operations Office. Aniya pa, "Ako ay naniniwala doon sa tema na kung saan sinasabing kinakailangan na magkaroon ng pagsasama ang bawat bansa sa Asya. Tayo ay isang Asya, may mga tradisyon at paninindigan (tayo) na (tanging Asyano) lang, na kung ikukumpara sa Western ay iba. Ito ay magandang pagkakataon kung saan lahat ng bansa sa Asya ay nagtitipun-tipon para ibahagi ang kanilang pagkakapare-pareho. In-e-expect ko na ito ay magiging maganda para sa Pilipinas. At isusulong natin na itong mga media exchange ay makakatulong sa Pilipinas."
VP Rudolph Steve Jularbal, kinapanayam ng mamamahayag ng CRI
Ang mga pagbabago sa teknolohiya ay napapanahong pagtuunan ng pansin sa forum. Ito ang pananaw ni Rudolph Steve Jularbal, Vice President ng Manila Broadcasting Company. Paliwanag niya, "Yung mga developments sa technology ay binuwag niya yung mga physical barriers ng bawat bansa. Kailangan nang mag-reorient ang mga iba't-ibang bansa towards cooperation kasi yung hindi pwede noon na may presence sa ibang bansa kunwari Tsina, ay wala na yun dahil sa interconnectivity sa mga new technology. Cooperation among Asian countries around the world is essential in this changing environment."
Deputy Network General Manager Edgar S. Reyes (ikalawa sa kanan) sa seremonya ng paglalagda sa mga kasunduan
Nilagdaan din ngayong umaga ang kasunduan sa pagtutulungan ng media sa pagitan ng Tsina at maraming mga bansa. Kabilang dito ang Framework Agreement on "China Theater" ng CRI at PTV kung saan kumatawan si Ginoong Edgar S. Reyes, Deputy Network General Manager ng People's Television sa nasabing paglalagda.
Bahagi rin ng seremonya ng pagbubukas ngayong umaga ang paglagda ng Tsina at higit 140 kinatawan ng international media na dumalo sa summit sa Deklarasyon ng Mediang Tsino at Dayuhan sa Magkakasamang Promosyon ng Belt and Road News Alliance.
Station Manager Alan Allanigue, kinapanayam ng mamamahayag ng CRI
Ipinahayag ni Alan Allanigue, Station Manager ng Radyo Pilipinas-Manila na napaka-inspiring at napakaganda ng mga ipinahayag ng mga media leaders at mga Chinese officials sa opening ceremonies ng forum. Aniya pa, "Very encouraging ito at ako'y positibo na ito ay higit pang makapagpapalakas ng ugnayan ng iba't ibang media organizations sa buong mundo."
Ang Media Leaders Summit for Asia ay taunang pulong ay naghahangad na ilatag ang plataporma ng diyalogo sa pagitan ng mga media organizations sa Asya at pasulungin ang pagtutulungan. Magkakasamang itinataguyod ng Boao Forum for Asia, China Media Group at China Public Diplomacy Association ang summit na idinadaos mula Abil 8 hanggang Abril 11, 2018.
Ulat: Mac Ramos/Jade
Larawan: Mac Ramos/Lito/Jade
Web editor: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |