Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), na idinaraos ngayong umaga, Martes, ika-10 ng Abril 2018, sa lalawigang Hainan sa timog Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang trade surplus ay hindi hangarin ng Tsina, at umaasa ang bansa na daragdagan ang pag-aangkat. Isiniwalat niyang sa taong ito, ibayo pang babawasan ng Tsina ang taripa sa mga aangkating paninda, na kinabibilangan ng sasakyan.
Hiniling din ni Xi sa mga maunlad na bansa, na paluwagin ang limitasyon sa pagluluwas ng mga produktong hay-tek sa Tsina.