Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), na idinaraos ngayong umaga, Martes, ika-10 ng Abril 2018, sa lalawigang Hainan sa timog Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong 5 taong nakalipas sapul nang iharap ang Belt and Road Initiative, nilagdaan na ng Tsina at mahigit 80 bansa at organisasyong pandaigdig ang kasunduang pangkooperasyon sa ilalim ng inisyatibang ito.
Dagdag niya, ang Belt and Road Initiative ay hindi para sa geopolitics, at hindi ring nagtatangi ng anumang ibang panig.
Nanawagan siya sa iba't ibang panig, na batay sa prinsipyong "malawakang pagsasanggunian, magkakasamang pagbibigay-ambag, at pagbabahagi ng mga benepisyo," pasulungin ang Belt and Road Initiative, para ito ay maging plataporma ng pinakamalawak na kooperasyong pandaigdig, na angkop sa tunguhin ng globalisasyong pangkabuhayan.